Thursday, February 28, 2008

Ulan

Elehiya

ang inuusal ng bumubuhos na ulan

para sa mga puntod

ng nilimot na ng hinagap.

Subalit,

unti-unti nitong binubura ang bakas ng nagdaan

tinatangay ng mga mumunitng along

tutungo sa pagsibol ng mga bulaklak.

No comments: